Laktawan at dumiretso sa pangunahing content

Paano bumili ng crypto gamit ang MetaMask

Buy tokens directly in MetaMask Mobile and Extension using your card, bank transfer, or Google or Apply Pay. May opsyon ang mga user sa ilang rehiyon na magdeposito ng mga token sa native na paraan sa pamamagitan ng Transak. Sa paraang ito, mangyayari ang transaksyon sa loob lang ng MetaMask, at nagbibigay-daan ito sa iyong bumili at mag-top up ng crypto nang hindi umaalis sa app.

Patuloy na nag-aalok ang MetaMask ng iba pang mga provider para sa pagbili ng crypto, na sumusuporta sa iba pang mga rehiyon at token. Sa pagpili sa rehiyon mo, awtomatikong ilalatag sa iyo ang mga opsyon na mayroon ka.

Bumili ng crypto​

The following guide walks you through the process of buying crypto in MetaMask Mobile (v7.61 or later) and Extension (v13.48 or later). Posibleng iba ang maging itsura ng iyong screen depende sa rehiyon mo.

  1. Buksan ang MetaMask Mobile. Piliin ang button na 'Bumili' sa ilalim ng iyong balanse sa account sa kaliwa ng screen.

  2. I-click ang 'Bumili'.

MetaMask Mobile buy option from buy/sell menu

  1. Sa susunod na screen, piliin ang token na gusto mong bilhin, at ang network kung saan mo ito gustong bilhin. Puwede ka ring maghanap ng isang partikular na token sa pamamagitan ng paghahanap sa pangalan o address nito.

MetaMask Mobile buy select or search for token

  1. Ilagay ang halaga ng gusto mong bilhin.

MetaMask Mobile buy input amount to buy

  1. Piliin ang paraan ng pagbabayad mo. Sa screen na ito, puwede mo ring baguhin ang provider kung gusto mo. Tandaan na ang napiling provider ay batay sa dali ng paggamit at availability sa rehiyon mo.

MetaMask Mobile buy choose payment method

MetaMask Mobile buy change provider

  1. The next step will depend on the provider. If you choose Transak, you will be asked to verify your identity if it is your first time buying crypto in your MetaMask wallet. Kung gumagamit ka ng ibang provider, posible kang dalhin sa ibang platform para matapos ang pagbili mo.

  2. Kumpirmahin ang order mo.

  3. Idedeposito ang crypto mo sa wallet mo sa lalong madaling panahon.

MetaMask Portfolio

Puwede ka ring bumili ng crypto sa MetaMask Portfolio sa pamamagitan ng pagpili sa 'Maglipat ng crypto', saka 'Bumili', sa kaliwang sidebar.

Puwede ka ring bumili ng crypto nang direkta sa MetaMask Portfolio sa pamamagitan ng naka-link mong centralized exchange (CEX) account. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang aming gabay dito.

How do quotes work in MetaMask?

Kung nakakakita ka ng mga quote habang bumibili ng crypto sa MetaMask, dahil ito sa gumagamit kami ng aggregator ng mga provider na nasa ramp para maibigay sa iyo ang pinakamaiinam na posibleng opsyon.

Kapag inilagay mo kung gaano ba karami ng isang token ang gusto mong bilhin, biglang lalabas ang mga integration ng MetaMask sa aming mga vetted provider, at kukuhanan ka ng mga quote mula sa bawat isa. Awtomatikong nare-refresh ang mga quote na ito kada 10 segundo para maisaalang-alang ang pagtaas-baba ng presyo ng gas, na nagpapababa sa tsansang pumalya ang mga transaksyon (kung tataas ang presyo ng gas pagkatapos maisumite ang transaksyon, posibleng maging masyadong mababa ang na-quote na kabuuang presyo para mabayaran ang mga gastusin sa transaksyon kapag na-pick up na ng network ang transaksyon).

Dahil inilalagay mo ang iyong rehiyon at currency sa prosesong ito, ang mga quote na ipinepresenta sa iyo ay awtomatikong naka-configure para sa iyong mga kalagayan: kaya hindi kailangang mag-alala tungkol sa kung magagamit mo ba ang mga available na paraan ng pagbabayad sa iyong rehiyon, o kung sinusuportahan ba ng provider na iyon ang iyong rehiyon. Kung lumalabas ito sa listahan ng quote, makakabili ka ayon sa naka-quote. Madali.

Availability sa rehiyon​

While we want to make MetaMask's features accessible to as many people around the world as possible, buying crypto in MetaMask is not available in every country or region.

Ito ay dahil ang mga kumpanyang kasosyo namin ay hindi maaaring mag-operate sa bawat hurisdiksyon, dahil ang kanilang mga operasyon ay apektado ng iba't ibang batas at regulasyon.

Kapag bumili ka ng crypto sa MetaMask, awtomatiko naming ipapakita sa iyo ang mga opsyon mo batay sa kung nasaan kang rehiyon o bansa.

I can't buy crypto in my country/region.

If your country/region isn't supported, you may still be able to get tokens into your wallet through other means.

  1. Halimbawa, maaaring idaan ang pagbili ng mga token sa isang centralized exchange (CEX) at ideposito ang mga ito papunta sa MetaMask. Tingnan ang aming gabay para sa karagdagang impormasyon. Also, bear in mind that this route, like buying crypto directly, will usually require KYC (know your customer) steps, such as proving your identity, and availability may also vary by region. Ang mga CEX ay naiiba rin sa MetaMask dahil custodial ang mga ito — ibig sabihin, wala kang kontrol sa iyong pribadong key.

  2. Puwede ka ring magpadeposito gamit ang P2P (peer-to-peer) sa account mo sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga simpleng transaksyon.

Anuman ang paraan na pipiliin mo, gumawa ng sarili mong pananaliksik bago magbigay ng anumang pera, at siguraduhing ligtas ang platform na ginagamit mo. Palaging ugaliin ang mabubuting gawi sa web3 security.

Pag-troubleshoot ng​

Why is the amount I entered different from the amount I received?

Laging mas malaki ang halaga ng fiat na inilagay mo sa MetaMask kaysa sa halaga ng crypto na matatanggap mo.

Kailangan mong magbayad ng ilang iba't ibang bayarin para sa bawat transaksyon. Dagdag pa sa bayaring sinisingil ng MetaMask, kailangan mo ring magbayad sa provider at para sa gas para sa mga transaksyong kinakailangan para makuha ang binili mong crypto sa wallet mo.

Nakalista sa quote bilang 'bayad sa pagpoproseso' ang bayarin sa provider. Kabilang sa halagang ito ang bayarin na sinisingil ng MetaMask para sa serbisyo. Nakalista sa quote ang mga gastusin sa gas bilang 'bayad sa network'.

What do I do if my transaction fails?

Kung papalya ang transaksyon mo, inirerekomenda naming makipag-ugnayan ka muna sa team ng suporta ng provider, dahil hindi ang MetaMask ang nagpatupad ng transaksyon mo.

Kung nagkakaproblema ka sa paggamit ng platform ng isang provider, gaya ng mga limitasyon sa pagbabayad, mga paraan ng pagbabayad, o KYC, inirerekomenda namin sa iyong makipag-ugnayan sa kanilang mga team ng suporta nang direkta.

Why is my transaction still pending?

Para makuha ang in-order mong crypto sa wallet mo, ang provider na pipiliin mo ay dapat na nagpapatupad ng mga transaksyon sa loob ng chain. Ibig sabihin nito, ang pinakasimple mong kailangang gawin ay maghintay hanggang sa maproseso ng network (block time) ang mga transaksyon.

Kapag naisumite mo na ang iyong kahilingan, makikita mo ang nakabinbing transaksyon sa iyong aktibidad sa MetaMask.

Kung nasingil na ang bank account mo at naantala ang pagtanggap mo ng crypto, inirerekomenda naming makipag-ugnayan ka nang direkta sa team ng suporta ng provider. Pending purchases (not yet confirmed on the blockchain) are usually caused by the provider's pre-authorization processes.

Iba pang mga FAQ​

Does MetaMask make money from this?

Nakakatanggap ang MetaMask ng 1% na bayad sa bawat transaksyon, na kinakalkula bilang porsyento ng halaga ng fiat na hinihiling mo.

Kaya kung maglalagay ka ng $100, kakalkulahin namin ang bahagi namin sa mga bayarin bilang $1.

Nalalapat ang 1% bayarin sa lahat ng rehiyon, paraan ng pagbabayad, provider, at token.

Who am I buying from when I use this feature?

Hindi ang MetaMask ang nagsasagawa ng mga transaksyon na ino-order mo: provider ang gumagawa nito (hal., MoonPay, Transak, atbp.) ang tumatanggap ng kahilingan mo at nagpapatupad ng mga kinakailangang hakbang.

Kabilang sa tungkulin ng MetaMask sa prosesong ito ang pagtitipon ng mga quote, na nagbibigay-daan sa iyong pumili ng isa, at mag-order na napili mong dami ng crypto sa pamamagitan ng provider.

Para sa batayang listahan ng mga provider, tingnan dito.

How do I manage/delete the accounts I have created with each provider?

Kapag bumili ka ng crypto sa MetaMask, hindi ka bumili ng crypto sa o mula sa MetaMask: bumibili ka sa provider na pinili mo.

Kung gusto mong pamahalaan ang anumang personal na impormasyon na hawak ng mga provider, kailangan mong i-access nang direkta ang platform ng provider, mag-log in sa account mo, at gawin ang mga pagbabago doon. MetaMask does not collect or hold your login details for providers at any point during or after the buying process.

Was this helpful?