Laktawan at dumiretso sa pangunahing content

Paano gumawa ng bagong MetaMask wallet

Gumawa ng bagong MetaMask wallet | Sunod-sunod na gabay​

Kapag nag-install ka ng bagong instance ng MetaMask, tatanungin ka kung gusto mong gumawa ng bagong wallet, o kung may dati ka nang wallet. Para sa impormasyon tungkol sa paggamit ng dating wallet, magbasa rito.

MetaMask Extension onboarding create new wallet button

Para gumawa ng bagong wallet, piliin ang 'Gumawa ng bagong wallet'.

Pagkatapos, tatanungin ka kung gusto mong i-access at tiyakin ang seguridad ng wallet mo gamit ang isang Lihim na Parirala sa Pagbawi (SRP), o gamit ang isang social account gaya ng Google, Apple, o Telegram (Extension lang). Kung pipiliin mong tiyakin ang seguridad ng wallet mo gamit ang Google, Apple, o Telegram, parehong gagamitin ang mga kredensyal na ito AT ang password mo para i-unlock ang wallet mo at kailangang may access ka sa pareho para ma-access ang wallet mo.

MetaMask Extension create new wallet select social login method

Ano ang pagkakaiba?

  • SRP: Ang tradisyunal na paraan ng sariling kustodiya na pagtatakda ng isang parirala na may 12 salita na itatabi mo nang ligtas offline at ikaw lang ang may access.
  • Pag-log in sa social account: Pag-link ng social profile gaya ng Google, Apple, o Telegram sa MetaMask mo, at pagtatakda ng password para gumawa ng mga bagong wallet nang mabilis at maginhawa.

Pag-access sa pamamagitan ng Lihim na Parirala sa Pagbawi​

Ang Lihim na Parirala sa Pagbawi ay isang natatanging parirala na nagpapatunay na ikaw ang may-ari ng wallet. Ang sinumang may-hawak ng SRP ang may buong kontrol sa mga asset sa isang partikular na wallet. Kung pipiliin mong tiyakin ang seguridad ng wallet mo gamit ang SRP, ikaw lang ang magkakaroon ng access sa SRP, at ikaw ang nag-iisang may pananagutan sa pagsigurong ligtas ito (magbasa pa tungkol sa prinsipyong ito na tinatawag na sariling kustodiya rito).

Kapag gumawa ka ng bagong SRP sa MetaMask, makakabuo ka ng English na parirala. Siguraduhing kokopyahin mo ang pariralang ito sa orihinal na English at huwag itong isalin sa ibang wika.

MetaMask Extension onboarding choose example SRP

Paano kung mawala ko ang SRP ko?

Kung mawawala mo ang SRP mo, o magkakaroon ng access dito ang ibang tao, hindi mababawi ang wallet mo ng MetaMask at mawawalan ka ng kontrol sa lahat ng asset na iyon. Ito ang dahilan kung bakit napakahalagang tiyakin na itatabi mo ang SRP mo sa isang ligtas na lokasyon.

Mga simpleng tip sa ligtas na pagtatabi ng SRP:

  • Itabi ang SRP mo sa isang ligtas na offline na lokasyon na ikaw lang ang may access.
  • HUWAG gumamit ng mga online na serbisyo, gaya ng mga cloud service o password manager, para itabi ang SRP mo. Anumang lokasyon na konektado sa internet ay puwedeng ma-hack (at kung magiging paranoid tayo, na tama lang, mangyayari talaga ito).
  • Maging malikhain. Walang makakapagsabi sa iyo kung saan pinakamainam na itabi ang SRP mo: nakadepende ito sa personal na sitwasyon mo.

Gamit ang isang ligtas na SRP, maa-access o mababawi mo ang wallet mo sa anumang instance ng MetaMask.

Pag-access sa pamamagitan ng Google, Apple, o Telegram​

Makakagawa ka rin ng bagong wallet sa pamamagitan ng pag-link ng login mo sa isang social account, gaya ng Google, Apple, o Telegram.

Kung pipiliin mo ang opsyong ito na 'pag-log in sa social account', pipili ka ng Google, Apple, o Telegram account na ikokonekta at magtatakda ka ng ligtas na password para sa MetaMask. Hindi mo kailangang mag-ingat ng Lihim na Parirala sa Pagbawi sa opsyong ito. Kapag na-set up mo na ang login mo, makakapag-log in ka na o mare-reset ang wallet mo sa anumang device, sa pamamagitan ng pag-log in sa naka-link mong social account at password.

Important note

Any new wallets you create or import from this instance of MetaMask will be linked to your social account. They will sync across devices and restore when you login to a new instance of MetaMask using your Google, Apple, or Telegram identifier. If you don't want additional wallets tied to this social account, do not import them here—import them in a separate MetaMask instance instead.

Paano kung mawala ko ang password ko?

Kung mawawala mo ang password mo, o magkakaroon ng access dito ang ibang tao, hindi mo maa-access ang wallet mo sa paraang ito at hindi mababawi ng MetaMask ang wallet mo. Panatilihing ligtas ang password mo, hindi ito mababawi para sa iyo gaya sa iba pang mga paraan ng pag-log in sa social account.

Mga mabilisang tip para sa pagpili ng password:​

  • Lubos naming inirerekomenda ang paggamit ng password manager o iba pang computer system para bumuo ng password. Lubhang mas ligtas ang mga password na nabuo ng mga computer kaysa sa anumang maiisip mo.
  • HUWAG mag-ulit ng anumang password. Pumili ng bagong password na hindi mo pa nagagamit kahit kailan at hindi na gagamitin ulit.
  • HUWAG itabi ang password mo sa anumang hindi naka-encrypt na dokumento, tala, o anumang uri ng cloud account o storage.

Bagama't maginhawang gamitin ang mga password manager at mainam ang mga ito sa pagbuo ng mga password na mahirap hulaan, may panganib na ma-hack ang password manager mo. Kung makokompromiso ang password manager mo, makokompromiso ang lahat ng password mo, at posibleng mawala sa iyo ang mga pondo mo. Ikaw ang magpapasya kung ano ang tolerance mo sa panganib.

Kapag nagawa mo ang password mo, puwede mo nang simulang gamitin ang MetaMask. Naka-sync ang password na ito sa lahat ng device kung saan ka nag-log in gamit ang parehong Google/Apple/Telegram account.

Your account still has an SRP. You can reveal and save it as a fallback option — see here — but handle it with care, as exposing it outside MetaMask creates security risks.

Behind the scenes

Kapag nagkonekta ka ng Google, Apple, o Telegram account sa MetaMask, may SRP pa rin ang wallet mo na nagbibigay sa iyo ng access sa mga account mo. Iyan ang katangian ng isang karaniwang crypto wallet gaya ng MetaMask. Para ma-access mo ang wallet mo nang walang SRP, gumagamit ang MetaMask ng cryptographic na pamamaraan na tinatawag na pag-shard ng key para ligtas na masubaybayan ang pagmamay-ari mo ng wallet.

Para gawin ito, ligtas na naka-encrypt ang SRP mo at hinahati ito sa limang "shard" o bahagi. Itinatago ang mga shard na ito sa limang iba't ibang node, at hindi naa-access ng kahit sino, kahit pa ng MetaMask, ang lahat ng iyon. Parehong ginagamit ang Google/Apple/Telegram account AT password mo para i-decrypt ang SRP mo.

Matuto pa rito.

Ano ang dapat na piliin ko?​

Nakadepende ang pipiliin mo mula sa mga opsyon ito sa personal mong sitwasyon, tolerance para sa panganib, at mga pangangailangan sa privacy.

Kung pipiliin mong i-access at tiyakin ang seguridad ng wallet mo sa pamamagitan ng SRP, kakailanganin mong itabi ang parirala sa isang pisikal na lokasyon na walang ibang nakakaalam. Ito ang single point of failure ng account mo at hindi ito mababawi para sa iyo. Kailangan mong ituring ang pagtiyak ng seguridad nito bilang pinakamahalagang bahagi ng karanasan mo sa web3.

Kung pipiliin mong i-access at tiyakin ang seguridad ng wallet mo sa pamamagitan ng login sa social account, kailangan mong mamili ng ligtas na password at tandaan ito, at tiyakin din ang seguridad ng social account mo. Dapat mong tiyakin ang seguridad ng password at social account mo gaya ng pagtiyak sa seguridad ng SRP mo; kung mawawalan ka ng access sa login sa social account o sa password mo, walang ibang makakabawi ng MetaMask mo para sa iyo. Posibleng gayahin ng mga hacker ang seguridad ng social account mo para magkaroon ng access sa account mo, kaya kailangan mong maging mapagmatyag.

Mga Madalas Itanong​

Puwede ko bang baguhin ang paraan ng pag-log in ko sa wallet at pagbawi sa hinaharap?

Makikita ng mga user na may wallet na gumagamit ng login sa social account para sa seguridad ang SRP nila at maise-save ito, pero hindi nila maididiskonekta ang mga naka-link nilang social account at password. Sa ngayon, hindi makakapagdagdag ang mga kasalukuyang user ng login sa social account sa kasalukuyan nilang MetaMask.

Kung mawawala ko ang password ko, maa-access ko pa rin ba ang wallet ko?

Hindi. Pareho mong kailangan ang login sa social account mo at password mo para mag-log in sa iyong wallet. Gayunpaman, may ilang natatanging sitwasyon na dapat mong tandaan:

  • Kung mawawala mo ang password mo, pero naka-save ang SRP mo, maa-access mo ang wallet mo. Gayunpaman, kapag in-access mo ang wallet mo sa paraang ito, hindi ka na makakakonekta sa Google, Apple, o Telegram account at password mo. Hindi mo na mare-reset ang password o login mo sa pamamagitan ng Apple, Google, o Telegram account mo.
  • If you have MetaMask Mobile installed, biometrics turned on (i.e., Face ID), and the wallet you want imported, you will be able to log into your wallet and reset your password through biometric authentication.
  • Kung ia-access mo ang wallet mo sa pamamagitan ng SRP sa Extension, puwede kang mag-set up ng pag-unlock gamit ang biometrics (ibig sabihin, Touch ID) sa pamamagitan ng mga passkey para i-unlock ang wallet mo. Tingnan dito.
Na-unlock ko ang MetaMask o nakagawa ako ng bagong wallet gamit ang Google, Apple, o Telegram. Dapat ba akong makatanggap ng email ng kumpirmasyon?

Hindi, hindi ka makakatanggap ng email ng kumpirmasyon dahil sa pag-unlock sa MetaMask o paggawa ng bagong MetaMask. Ang anumang email na matatanggap mo na nagsasabing mula sa MetaMask ay panloloko. Magbasa rito para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga lehitimong email ng MetaMask.

Puwede ko bang baguhin ang Google, Apple, Telegram account na ginamit ko sa pag-sign up?

Hindi, hindi posibleng baguhin ang account na ito.

Anong data ang itinatabi ng MetaMask para sa feature na login sa social account?

To make this feature work as intended, MetaMask stores your social authentication identifier from Google, Apple, or Telegram, your email, and login attempt metadata such as browser, operating system, and platform used. Your social login identifier is also stored in association with the addresses of all wallets linked to your account. Magbasa pa rito.

Puwede ko bang i-reset ang password ko?

Puwede mong i-reset ang password mo kung kasalukuyan kang naka-log in sa MetaMask. Kung naka-log out ka, hindi mo maire-reset ang password mo. Matuto pa rito

Na-lock out ako sa MetaMask dahil maling password ang nailagay ko nang maraming beses. Ano ang puwede kong gawin?

Kung maling password ang nailagay mo nang maraming beses, kailangan mong maghintay nang kaunti para subukan ulit. Siguraduhing maingat mong ilalagay ang password para maiwasan ang mahahabang pagkaantala.

Was this helpful?