Paano tiyakin ang seguridad ng Lihim na Parirala sa Pagbawi at password mo
Gumagamit ang MetaMask ng model ng seguridad na iba sa mga tradisyunal na app. Wala itong pagbawi sa password o sentralisadong account, ikaw ang may ganap na kontrol sa wallet mo at mga asset na laman nito. Ipinapaliwanag ng gabay na ito ang iba't ibang elemento na nagbibigay ng proteksyon sa wallet mo para mapanatili mong ligtas ang mga asset mo:
Ang SRP mo ang pundasyon ng wallet mo: ang kahalagahan ng passwork mo ay nakadepende sa setup mo. Magbasa pa para mapalalim ang pag-unawa sa bawat isa sa mga bahaging ito at sa pinakamahuhusay na kagawian para mapanatiling ligtas ang wallet mo.
Tandaan: Hindi mababawi ng MetaMask ang wallet mo para sa iyo. Ginawa ang wallet mo gamit ang isang SRP at pinoprotektahan ng iyong password at/o paraan ng pag-log in ang access sa wallet mo kada device. Kung mawawalan ka ng access sa SRP mo—o ang paraan para ma-access ang wallet mo sa pamamagitan ng pag-log in sa Google/Apple/Telegram—hindi na mababawi ang pondo mo. Mahalagang maunawaan ito kapag gumagamit ng MetaMask o anumang iba pang wallet na may sariling kustodiya.
Mga Lihim na Parirala sa Pagbawi
Ang iyong Lihim na Parirala sa Pagbawi (SRP), na kilala rin bilang pariralang binhi, ay isang natatanging pariralang may 12 salita na binubuo kapag nag-set up ka ng MetaMask sa unang pagkakataon. Ang mga account na may-hawak ng mga token mo ay nagmula sa mga ito. Kung sakaling mawala ang iyong password, ang iyong Lihim na Parirala sa Pagbawi ay magbibigay-daan sa iyo na mabawi ang iyong wallet at ang iyong mga pondo.
- Ito ang pangunahing susi sa wallet mo (ang sinumang may kontrol sa SRP ang may kontrol sa wallet)
- Ginagamit ito para buuin at ibalik ang mga account at balanse mo
- Ginagamit ito para i-restore ang wallet mo sa isang bagong device
Kapag gumagawa ka ng bagong wallet, bumubuo ang MetaMask ng natatanging SRP na may 12 salita para sa iyo. Gumagamit ang ibang mga wallet ng mga SRP na may 18 o 24 na salita.
Anuman ang paraan ng pag-set up, nasa SRP ang pinakamatinding kontrol sa wallet mo. Sinuman may access sa SRP mo ay may kontrol sa mga pondo mo. Hindi maibabalik ng MetaMask ang wallet mo kapag nawalan ka ng access dito. Ang pag-access at pagtatabi mo sa SRP mo ay nakadepende sa kung paano mo ginawa ang wallet mo:
- Secret Recovery Phrase
- Google/Apple/Telegram account
- Ipapakita sa iyo ang SRP mo kapag nagse-set up ka
- Ikaw ang may pananagutan sa pagtatabi nito nang ligtas
- Puwede mo itong gamitin anumang oras para i-restore ang wallet mo (sa parehong device o iba pang mga device)
- Direkta mong makokontrol at mapapamahalaan ang SRP mo
- Nabuo pa rin ang SRP mo, pero hindi nito kailangan ng sariling kustodiya mo nang default
- Nahahati ito sa mga naka-encrypt na bahagi at ligtas na naka-back up online
- Para i-access ang wallet mo, pareho mong kailangan ang:
- Google/Apple/Telegram account mo AT
- MetaMask password mo
- Makokontrol mo ang access sa SRP mo gamit ang parehong mga kredensyal na ito
Mga Password at MetaMask
Ginagamit ang MetaMask password mo para i-unlock ang wallet mo at protektahan ang access dito. Gayunpaman, nakadepende ang tungkulin nito sa kung paano nagawa ang wallet mo:
- Secret Recovery Phrase
- Google/Apple/Telegram account
- Naa-unlock ng password mo ang MetaMask sa device na iyon
- Hindi nito nababawi ang wallet mo
- Kung makakalimutan mo ito, puwede mong i-restore ang access gamit ang SRP mo
Sa sitwasyong ito, lokal na access lang (sa device na ginagamit mo) ang naa-unlock ng password mo. Ang SRP mo ang susi sa ganap na pagmamay-ari at pagbawi.
Sa Extension, ang mga user na gumagamit ng SRP para mag-access ay puwede ring mag-set up ng pag-unlock gamit ang biometrics (ibig sabihin, Touch ID) sa pamamagitan ng mga passkey.
- Nahahati ang Lihim na Parirala sa Pagbawi mo sa mga naka-encrypt na shard
- Para i-access ang wallet mo at buuin ulit ang SRP mo, pareho mong kailangan ang:
- Google/Apple/Telegram account mo AT
- MetaMask password mo
Sa sitwasyong ito, nagsisilbing mahalagang proteksyon ang password mo kasama ng Google/Apple/Telegram account mo. Susi sa pagbawi ang dalawang ito. Kung mawawalan ka ng access sa password mo, mawawalan ka ng access sa wallet mo MALIBAN na lang kung naibunyag at na-back up mo ang SRP mo.
Mga pribadong key
Ang bawat account sa wallet mo ay may sarilin nitong pribadong key, na nabuo mula sa SRP. Isa itong mahabang cryptographic string na kumokontrol sa isang account. Puwede itong gamitin para i-import at i-export ang account na iyon, at ang account lang na iyon, sa ibang wallet.
Maliban na lang kung developer ka, hindi mo kailangang malaman ang tungkol sa mga pribadong key. Gaya ng SRP mo, hindi kailanman dapat ibahagi sa iba ang mga pribadong key.
Kung kailangan mong matuto pa tungkol sa pag-import ng account na may pribadong key, tingnan dito.
Mga Dapat at Hindi Dapat Gawin kaugnay ng SRP
Gawin Ito
- Isulat ang iyong Lihim na Parirala sa Pagbawi at itago ito sa isang ligtas na lugar. Hindi namin masasabi kung saan mo ito eksaktong dapat itago dahil nakabatay iyon sa sitwasyon mo.
- Mahalagang isulat ang iyong Lihim na Parirala sa Pagbawi dahil kapag nakasulat, hindi ito mananakaw online. Kung itatago mo ito sa isang file at ilalagay sa isang folder ng cloud storage na naka-link sa internet, sa teorya, posible itong manakaw.
- Tiyakin na tama ang spelling mo at na isinulat mo ang bawat salita ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga ito.
- Makipag-ugnayan sa mga opisyal na channel ng Suporta ng MetaMask kung kailangan mo ng tulong.
Huwag Gawin
- Itago ito sa isang lokasyon na madaling mahanap, gaya ng post-it na nakadikit sa computer mo.
- Itago ito sa isang lokasyon na madaling ma-hack, gaya ng isang dokumentong na-save sa cloud o sa email na may pamagat na ‘Secret Recovery Phrase’.
- Ibigay ang Secret Recovery Phrase mo kahit kanino, kahit sa nagsasabing mula sila sa Suporta ng MetaMask.
- Baguhin ang pagkakasunod-sunod ng mga salita.
Mga tip sa seguridad
Huwag ibahagi ang iyong SRP at mga pribadong key kanino man
Nabanggit na ito, pero hindi masamang manigurado: kayang kunin ng sinumang may-hawak ng SRP o mga pribadong key mo ang mga token mula sa mga account mo. Huwag kailanman ibahagi ang iyong SRP o mga pribadong key kanino man — kahit na sa team ng MetaMask, kahit na hindi namin kailanman hihingin sa iyo ang impormasyong ito.
Kung may magpapakilalang miyembro ng team ng MetaMask at hihingin sa iyo ang impormasyon ito, kaagad silang isumbong gamit ang aming mga opisyal na channel ng suporta.
Itabi ang SRP mo sa isang ligtas na offline na lugar
Huwag itabi ang SRP mo online. Hindi ligtas ang mga online storage gaya ng cloud o mga password manager at madaling ma-hack ang mga ito.
Sa halip, itabi ang SRP mo sa isang ligtas na pisikal na lokasyon na ikaw lang ang may access at hindi mo makakalimutan.
Gumamit ng mahirap hulaan at natatanging password
Sa pag-set up ng Google/Apple/Telegram wallet, mahalaga ang password mo sa pag-access ng wallet mo o pag-log in sa mga bagong device. Puwede kang gumamit ng tagapamahala ng password para bumuo ng password na mahirap hulaan. Mas ligtas ang mga password na binuo ng computer kaysa sa mga password na ikaw lang ang gumawa. Hindi namin inirerekomenda ang pagtatabi ng password mo sa isang tagapamahala ng password na online dahil madaling ma-hack ang mga ito.
Kung naglalaman ang wallet mo ng mga asset na matataas ang halaga, pag-isipang kumuha ng wallet na hardware.
Ang mga hardware wallet, tulad ng Trezor at Ledger, ay karaniwang itinuturing na mas ligtas na paraan upang itabi ang iyong mga token. Itinatago nila ang mga private key nang offline, ibig sabihin, kailangan nasa pisikal na pagmamay-ari mo ang wallet upang mag-sign ng mga transaksyon — isang malaking hadlang sa mga online scammer.
Regular na i-update ang mga system at software mo
Siguraduhing updated ang mga browser, operating system, at bersyon mo ng MetaMask. Madalas na kabilang sa mga update sa mga software na ito ang mga kritikal na pagpapahusay sa seguridad. Tumingin pa rito.