Laktawan at dumiretso sa pangunahing content

Ligtas bang gamitin ang smart na kontratang ito?

Ang mga smart na kontrata ay mga programa sa computer na tumatakbo sa Ethereum Virtual Machine (EVM) at mga katulad na blockchain. Medyo nakakalito ang pangalan ng mga ito: kapag nakikipag-interaksyon ka sa mga ito, hindi ka pumapasok sa isang kontrata, sa halip, pinapagana mo lang ang isang programa para tumakbo ito.

Ang halos walang hangganang mga posibilidad para sa kayang gawin ng mga smart na kontrata ang dahilan kung bakit napakamakapangyarihan ng Ethereum at web3. Mahalagang feature din ang pagiging accessible nito: dahil nilalayon maging decentralized ng web3 at magagamit ng lahat, puwedeng gawin at gamitin ang mga smart na kontrata ng kahit na sino. Hindi maiiwasan na may ilang tao na susubok na abusuhin ang kalayaang ito para pagsamantalahan ang ibang mga user.

Ito ang dahilan kung bakit dapat mong matutuhan kung paano tumukoy ng mga mapanlinlang na smart na kontrata at nang hindi ka maging biktima ng mga scam na ito.

Para malinaw, puwedeng kumatawan ang mga smart na kontrata sa:

  • Isang token, gaya ng mga ERC-20 token, na tinutukoy at pinamamahalaan ng mga smart na kontrata, o maging ng isang koleksyon ng NFT
  • Isang function sa isang dapp, gaya ng programa na nangangasiwa sa pag-swap ng token, o maging ng mga mekanismo ng pamamagala ng DAO.

Pagkonekta kumpara sa pag-apruba​

Kapag gumagamit ng MetaMask saanman sa mundo, karaniwang hihingin sa iyong kumonekta sa wallet mo. Makatwiran ring hihingin sa iyo sa karaniwan na aprubahan ang ilang operasyon. Sa kontekstong ito, kailangan mong pagtuunan ng pansin ang mga pag-apruba (na tinatawag ring mga allowance): mahalaga ang pagkakaiba ng mga ito!

  • Ang pagkonekta ng wallet mo sa isang site ay hindi nagbibigay rito ng kakayahang gamitin ang pondo mo maliban na lang kung ikaw mismo ang magpapahintulot nito. Kaya, bagama't mapapagana ng pagkokonektang ito ang isang dapp para magmungkahi ng ilang transaksyon o aksyon na puwede mong gawin, walang mangyayari sa pondo mo maliban kung aaprubahan mo ang mga iminungkahing transaksyon. Magbasa pa tungkol sa pagkonekta ng wallet mo rito.
  • Sa kabilang banda, tumutukoy ang mga pag-apruba sa pagbibigay sa smart na kontrata ng pahintulot na makipag-interaksyon sa isang partikular na token, sa itinakdang dami, kapag kinailangan ito. Dapat na lagi kang huminto at mag-isip kapag hinihiling sa iyong mag-apruba ng kahit ano, dahil karaniwan itong nangangahulugan na nagbibigay ka ng kontrol ng mga asset mo sa isang programa ng computer na posibleng ginawa ng kahit sino. Magbasa pa rito.

Pagtiyak na mapagkakatiwalaan ang isang smart na kontrata​

Talakayin natin ang ilang bagay na dapat suriin kapag inaalam mo kung dapat bang pagkatiwalaan ang isang smart na kontrata:

  1. Hinihingi ba nito sa iyong aprubahan ang access sa mga token mo?
  • Bukod sa social engineering na tinatangkang kunin ang Lihim na Parirala sa Pagbawi mo (matuto kung paano manatiling ligtas), ang mga scam na pag-apruba ng token ang pinakakaraniwanag vector ng pag-atake sa web3. Ito ang dahilan kung bakit ipinaliwanag namin ang mga ito nang bahagya sa itaas. Kung pahihintulutan mo ang pag-apruba ng token ng dapp, ibinibigay mo rito ang kontrol sa anumang token (at dami ng token na iyon) na aaprubahan mo. Dito pa lang, dapat ka nang magdalawang-isip.
  • Makatwiran ba na humihiling ang dapp ng access sa token na ito? Mahalaga ba ito sa functionality ng dapp na gusto mong gamitin?
  • Makatwiran ba ang dami ng token na hinihiling? Tandaan na maraming sikat na app ang humihiling nang halos walang limitasyon sa pag-access sa token para hindi mo na kailangang pumirma (at magbayad) para sa maraming transaksyon sa hinaharap. Magbasa pa rito.
  1. Hanapin ang address sa may kaugnayang block explorer. May address ang lahat ng smart na kontrata. Kung mapagkakatiwalaan ang dapp, koleksyon ng NFT, at iba pang partido, dapat na madaling makita ang address na ito sa pangunahin nilang site o sa mga dokumento. Ipapakita rin sa iyo ng MetaMask ang address ng smart na kontrata bago ka pumirma sa kahit anong transaksyon.

    Ilagay ang address sa bar ng paghahanap ng block explorer. Marami sa mga ito, kasama ang Etherscan, ang magsasabi sa iyo kung na-verify ang code o hindi, gaya ng nakatampok sa ibaba. Puwede mo ring tingnan kung may pangalan ang kontrata — kung wala, posibleng bagong-bago ito o hindi mapagkakatiwalaan.

Smart contract verification
Etherscan

Puwede mo ring tingnan ang seksyon ng mga komento sa block explorer para malaman ang pananaw ng mga user. Gayunpaman, huwag ding agad-agad na maniwala, dahil puwede rin itong manipulahin ng masasamang loob.

  1. Gumamit ng mga site ng listing ng coin/token para imbestigahan ang isang token. Pumunta sa CoinGecko, halimbawa, at ilagay ang pangalan at address ng token. Dapat na nakikita mo ang mahahalagang detalye tungkol sa token, gaya ng website ng proyekto at mga social platform nila. Masusuri mo rito kung ang dapp/token/proyekto ay may tunay at aktibong komunidad na hindi lang binubuo ng mga bot. Puwede ka ring maghanap ng white paper sa website nila na nagpapatunay na hindi lang ito isang nagbabadyang rugpull. Kapaki-pakinabang din ang aming gabay sa Mga kasanayan sa kaligtasan ng token sa kontekstong ito.

  2. Tingnan ang mga kamakailang aktibidad ng kontrata. Tingnan ang mga kamakailangan transaksyon na nakalista sa page ng smart na kontrata sa block explorer. Bagama't maaaring nakakalito sa umpisa ang mga block explorer, subukan lang at ituon ang pansin sa mga pattern ng spotting, at pag-isipan kung bakit mayroon ng mga pattern na ito. Ang isang karaniwang panloloko, halimbawa, ay ang pagpigil sa mga bumibili at nagmamay-ari ng token na magbenta ng token — kaya kung wala kang nakikitang anumang transaksyon ng pagbebenta, posibleng isa itong honeypot scam o katulad.

Sa kasamaang-palad, walang paraan para maging 100% sigurado na lehitimo ang isang smart na kontrata, maliban na lang kung maglalaan ka ng maraming oras para pag-aralan ang Solidity at mga kaugnay na coding language para ikaw mismo ang mag-audit nito.

Kaya uulit-ulitin namin: laging kumilos nang may pag-iingat sa web3. Kung hindi ka sigurado sa isang partikular na site o may mga tanong ka pa, makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng card ng 'Makipag-ugnayan sa Suporta' sa ibaba, o sa homepage ng site na ito.

  • Makipag-ugnayan ng suporta

    Makipag-ugnayan para sa higit pang tulong. Ikonekta ang wallet mo para sa mas mabilis at iniangkop na suporta batay sa mga detalye at paggamit mo ng MetaMask.

    Inirerekomenda
  • Was this helpful?