Mga pinakakaraniwang tip para sa seguridad para sa mga user ng MetaMask
Baguhan sa crypto at web3?
Pumunta sa MetaMask Learn para sa isang simpleng karanasan sa pagkatuto na partikular na idinisenyo para sa mga baguhan sa web3. Libreng-libre ito, available sa maraming wika, at may kasamang kapaki-pakinabang na tools gaya ng mga simulation upang matulungan kang maging pamilyar sa MetaMask.
Ano ang isang Lihim na Parirala sa Pagbawi at paano ko ito iba-back up?
Karaniwang ginagamit ng karamihan sa mga crypto wallet ang seed phrase, o Lihim na Parirala sa Pagbawi (SRP). Ang SRP ay listahan ng mga salitang nabuo nang random noong ginawa mo ang iyong MetaMask wallet. Nagbibigay ito ng access sa lahat ng account (mga address) sa loob ng wallet mo.
Sa unang beses mong gumawa ng wallet, hihilingin sa iyong isulat ang Lihim na Parirala sa Pagbawi mo, o ikonekta ang Google o Apple account mo sa MetaMask. Bagama't parehong may nauugnay na SRP ang dalawang opsyon, magkaiba ang function ng mga ito sa backend.
Kung hindi mo ikokonekta ang Google o Apple account mo sa MetaMask, walang kontrol ang MetaMask sa alinman sa mga personal o pribadong data mo sa aming mga server. Naka-encrypt ang lahat sa browser mo at protektado ito ng SRP mo. Kung mawawala mo ang mga MetaMask account mo at kailangan mong i-restore ang mga ito, magagawa mo lang iyon gamit ang SRP mo, at walang access dito ang MetaMask. Sa sitwasyong ito, ang SRP mo ang iyong single point of failure, o ang makakahadlang sa iyong ma-access ang mga account mo.
Kung ikokonekta mo ang Google o Apple account mo sa MetaMask, naka-encrypt ang SRP mo at hahati-hatiin ito sa limang iba't ibang node. Ang Google o Apple account at password mo lang ang makaka-access at makaka-decrypt sa lahat ng limang shard. Sa sitwasyong ito, ang Google/Apple account at password mo ang dalawang point of failure mo. Dahil dito, siguraduhing hindi mo gagamitin ulit ang Google/Apple password mo bilang MetaMask password mo. Dapat na magkaibang-magkaiba ang dalawang password. You can reveal your SRP as a fallback option in case you lose access to your social account — but treat it with the same care as any SRP.
Bakit mo kailangang itabi ang Lihim na Parirala sa Pagbawi
Ang MetaMask ay isang wallet na may sariling kustodiya. Sinumang may access sa SRP ay may access sa lahat ng account nito. Kung masisira, mawawala, mananakaw, o mako-corrupt ang data ng device mo, walang paraan ang team ng Suporta ng MetaMask para mabawi ang SRP mo para sa iyo. Para sa higit pang tip sa kung paano maitatabi nang ligtas ang SRP mo, basahin ang aming artikulo rito.
Huwag ibahagi ang iyong Lihim na Parirala sa Pagbawi at mga pribadong key
Makokontrol ng sinumang may-hawak ng Lihim na Parirala sa Pagbawi o mga pribadong key mo ang iyong mga asset, at dahil dito, puwede silang magpadala ng mga token mula sa mga account mo. Huwag kailanman ibahagi ang mga ito sa sinuman, kabilang ang MetaMask team o sinumang nag-aangking kumatawan sa amin.
Hindi namin kailanman hihingin sa iyo ang SRP mo. Kung may magsasabing hinihingi namin ito, panindigang hindi mo ito ibibigay. Kung makatagpo ka ng taong nagpapakilalang miyembro ng MetaMask o team ng suporta ng MetaMask, o humihingi ng SRP at/o mga pribadong key mo, iulat sila sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Suporta. Kung may iba pang manghihingi ng SRP at/o mga pribadong key mo, sinusubukan nilang nakawin ang lahat ng asset mo.
Nalalapat din ito sa mga website at app. Ang tanging mga lehitimong sitwasyon na kakailanganin mong ilagay ang SRP mo ay:
- Kapag ginagawa mo ang iyong wallet sa unang pagkakataon, dahil kailangan mong ilagay ang tiyak na mga salita mula sa parirala para kumpirmahin na nairekord mo ito.
- Kung ibinabalik mo ang iyong wallet sa bagong device o mula sa bagong install, o kailangan mong i-reset ang iyong password (Isang katulad na proseso).
Gayunpaman, may mga manloloko na susubukang gayahin ang dalawang sitwasyong ito. Basahin ito para sa higit pang impormasyon: Paano ko matutukoy ang tunay na MetaMask?
Kung may malaki kang halaga ng mga token sa (mga) account mo, pag-isipang kumuha ng hardware wallet.
Ang mga wallet ng hardware ay karaniwang itinuturing na pinakaligtas na paraan para magtago ng mga token mo. Madalas silang tinutukoy bilang mga 'cold' wallet, dahil diskonektado sila sa internet kadalasan o sa lahat ng oras. Ang pamamaraang ito ay nangangahulugang hindi maaaring maabot ng mga gumagawa ng masama ang iyong mga private key sa online, gamit ang hardware wallet mismo na nangangailangan na lagdaan (awtorisahan) ang anumang transaksyon.
Huwag ibahagi ang (mga) password mo
Hindi mo dapat ibahagi kahit kailan at kahit kanino ang alinman sa mga password mo, pero para sa artikulong ito, pagtutuunan natin ng pansin ang password mo sa MetaMask. Kung ikokonekta mo ang Google o Apple account mo sa MetaMask, kailangan ang password mo para ma-access ang mga account mo.
Ang Suporta ng MetaMask ay hindi kailanman hihingin ang iyong password. Kung may access ang isang tao sa password o Google/Apple account mo, maa-access niya ang lahat ng MetaMask account mo.
Kung hindi nakakonekta ang Google o Apple account mo sa MetaMask, gagana sa ibang paraan ang password mo. Hindi awtomatikong may access sa mga account mo ang may-hawak ng password mo. Gayunpaman, dapat mo pa ring tiyaking ligtas ang password mo at ingatan ito.
- Gumamit ng password na mahirap hulaan, na kombinasyon ng malalaki at maliliit na titik, mga numero, at mga special character.
- Gumamit ng ibang password para sa bawat account.
- Itabi ang iyong mga password sa isang ligtas na offline na lokasyon. Puwedeng ma-hack ang mga cloud service at password manager, at hindi ang mga ito ang pinakaligtas na paraan para itabi ang mga password mo.
- HUWAG KAILANMAN ibahagi ang password mo kanino man.
Walang maituturing na sobrang kaligtasan. Ang pangunahing gabay dito ay hindi nangangahulugang komprehensibo. Palaging alamin kung paano mas mapoprotektahan ang iyong mga token, sa pamamagitan ng pag-aaral mula sa komunidad, mga materyal na nagbibigay-kaalaman o mga channel ng talakayan.
Mga karagdagang mapagkukunan
Narito ang ilang karagdagang mapagkukunan para mapanatiling ligtas ang computer mo:
- Windows - Panatilihing secure ang iyong computer sa bahay
- Mac - I-set up ang iyong Mac upang maging secure
Ano ang mga pag-apruba ng token at bakit mahalaga ang mga ito?
Nagbibigay ng pahintulot ang mga pag-apruba ng token sa dapp na i-access at ilipat ang isang partikular na uri ng token at halaga ng token mula sa wallet mo. Kung hindi ka maingat sa mga pag-apruba ng token na gagawin mo sa iyong MetaMask wallet, posible itong maging paraan ng pag-atake sa wallet mo na uubos sa laman nito.
Para maiwasan itong mangyari, subukang sundin ang mga alituntunin na ito:
- Laging tiyakin kung ano talaga ang hinihiling ng isang dapp bago i-click ang 'aprubahan'. Sa MetaMask, puwede mo ring ayusin ang halaga kung saan may access ang dapp. Kung nagbigay ka lang ng access sa 10% ng mga token mo, at nagkataong panloloko pala ang dapp, mas mainam pa rin iyon kaysa kung nagbigay ka ng access na walang limitasyon.
- Gumawa ng sarili mong pananaliksik (Do your own research o DYOR). Ang pinakamainam na panahon para magsagawa ng due diligence sa anumang dapp bago ito gamitin ay noong nakaraang anim na buwan; ang susunod na pinakamainam na panahon ay ngayon. Bantayan ang mga pagkakamali sa spelling, mga imahe/logo na mababa ang kalidad, at iba pang red flag.
- Tandaang kung masyadong maganda ang isang bagay para maging totoo, malamang na hindi ito totoo. Kung inaalok ka ng 498,563% APY, malamang na nasa panganib ka.
Para sa mas detalyadong paliwanag tungkol sa mga pag-apruba ng token at pamamahala sa mga ito, basahin ang sumusunod na artikulo.