Laktawan at dumiretso sa pangunahing content

Paano i-access ang mga tokenized stock at ETF sa MetaMask

Puwede mong i-access ang daan-daang tokenized stock, ETF, at commodity nang direkta sa swap interface ng MetaMask sa pamamagitan ng Ondo Global Markets. Ipinapaliwanag ng gabay na ito kung ano ang mga tokenized na stock, paano gumagana ang mga ito, at paano i-trade ang mga ito sa MetaMask.

Available ang mga tokenized security sa Ethereum at BNB Chain sa pamamagitan ng MetaMask Mobile at Extension.

note

Hindi available sa mga user sa United States at iba pang pinaghihigpitang hurisdiksyon ang mga tokenized security. Para sa mga detalye at sa pinakabagong impormasyon sa pagiging kwalipikado, tingnan dito.

Ano ang mga tokenized stock at ETF?​

Ang mga tokenized stock, ETF, at commodity ay mga real-world asset (RWA) na kinakatawan sa chain bilang mga token. Sa pag-tokenize, gumagawa ng mga digital na katumbas ng mga tradisyunal na asset sa pananalapi at pinapalawak nito ang access sa mga merkado na dating eksklusibo o hindi liquid.

Ang bawat token ay kumakatawan sa ekonomikong pagkakalantad sa isang tradisyunal na asset—tulad ng isang stock na itine-trade sa publiko o ETF—na hawak sa labas ng chain. Idinisenyo ang token para subaybayan ang performance ng asset sa pamamagitan ng paggaya ng mga paggalaw ng presyo nito at iba pang mga ekonomikong resulta (tulad ng mga dividend), sa halip na pagbibigay ng direktang pagmamay-ari sa mismong asset.

Sa Ondo Global Markets, ang bawat tokenized stock o ETF ay ganap na tinutumbasan ng pinagbabatayang asset, na hawak ng mga lisensyadong custodial broker-dealer. Sumangguni sa [dokumentasyon] ng Ondo(https://docs.ondo.finance/ondo-global-markets/trust-and-transparency) para sa karagdagang impormasyon.

Mga oras ng pag-trade​

Ang Ondo Global Markets ay sumusunod, sa pangkalahatan, sa mga oras ng pag-trade sa stock market ng U.S., na may mga availability at liquidity sa pag-trade na naaayon sa 24/5 na iskedyul, mula Linggo 8:00 PM EST hanggang Biyernes 7:59 PM EST.

Mga sesyon ng pag-tradeEastern Standard Time
Bago ang Merkado4:00:00 AM EST - 9:29:59 AM EST
Regular na Merkado9:30:00 AM EST - 3:59:59 PM EST
Pagkatapos ng Merkado4:00:00 PM EST - 7:59:59 PM EST
Magdamag8:00:00 PM EST - 3:59:59 AM EST

Para sa pinakabagong impormasyon sa mga oras ng merkado, mga paghinto ng pag-trade, o katayuan ng merkado, tingnan dito.

Pag-trade sa labas ng mga oras ng merkado

Sa prinsipyo, puwedeng i-trade sa chain ang mga tokenized stock at ETF anumang oras. Gayunpaman, puwedeng mas mababa ang liquidity, mas magtaas-baba ang presyo, at magkaroon ng limitado o hindi available na mga quote ng presyo kapag nag-trade sa labas ng mga oras na tinukoy ng Ondo Global Markets.

Dahil sa mga ito, hindi magiging available ang mga quote sa MetaMask sa labas ng mga itinakdang palugit ng pag-trade at inirerekomenda ang pag-trade sa mga regular na oras ng pag-trade.

Paano mag-trade ng mga tokenized stock at ETF sa MetaMask​

Gumagana ang mga tokenized stock gaya ng anumang token na makukuha mo sa pag-swap.

  1. I-tap ang button na Mag-swap sa homepage mo.
  2. Piliin ang USDC sa Ethereum o USDT sa BNB Chain
  • Ito ang mga pinakasulit na ruta kada chain, di-hamak na mas mababa ang mga bayarin sa network sa BNB kaysa sa Ethereum
  • Puwedeng gumana ang ibang mga stablecoin sa mga chain na ito, pero puwede itong magresulta sa mga walang quote o mas mataas na epekto sa presyo dahil sa limitadong liquidity. Kasalukuyang hindi nasusuportahan ang pag-swap ng mga native asset gaya ng ETH sa mga token ng Ondo Global Markets
  • Siguraduhing may sapat kang native token ng network (ETH sa Ethereum, BNB sa BNB Chain) para masagot ang bayarin sa gas
  1. Hanapin ang asset ticker at piliin ang tokenized na bersyon, halimbawa, $GOOGLon (Ondo Tokenized)
  2. Ilagay ang halagang gusto mo ($5 ang minimum)
  • Hindi makakatangga ng anumang quote ang mga pag-swap na mas mababa sa minimum na halaga ($5)
  1. Suriin ang quote at kumpirmahin ang transaksyon.

Paano sinusubaybayan ng mga tokenized security ang performance ng asset​

Idinisenyo bilang mga tagasubaybay ng kabuuang return ang mga tokenized stock at ETF ng Ondo Global Markets. Ibig sabihin, nilalayon nitong ipakita ang buong ekonomikong performance ng pinagbabatayang asset, kung ipagpapalagay na in-invest muli ang kita.

Kabilang sa tagasubaybay ng kabuuang return ang:

  • Mga paggalaw ng presyo: pagtaas at pagbaba ng halaga sa merkado
  • Mga distribusyon ng kita: mga dividend (para sa mga stock) o interes (para sa bond)
  • Mga aksyon ng kumpanya: mga pangyayari tulad ng mga merger, split, o pagsasaayos sa kumpanya

Sa pagkuha ng data ng parehong capital gains at kita, nagbibigay ang mga tagasubaybay ng kabuuang return ng mas kumpletong paglalarawan ng performance ng isang asset kumpara sa pagsubaybay lang sa presyo.

Mga Dividend

Nagbabayad ang ilang stock at ETF ng mga dividend, na mga pana-panahong pamamahagi ng cash ng isang kumpanya. Sa mga tokenized stock ng Ondo Global Markets, hindi ibinibigay nang direkta bilang cash ang mga dividend. Sa halip, awtomatikong lumalabas ang mga dividend sa performance ng kabuuang return ng token sa pamamagitan ng muling pag-i-invest (net ng naaangkop na ikinakaltas na buwis).

Ibig sabihin:

  • Nakakadagdag ang mga dividend sa kabuuang halaga ng token
  • Muling ini-invest ang mga dividend para mapalago pa ang kita
  • Makikita sa pagkakalantad mo ang mga pagbabago sa presyo at dividend na kita, net ng nalalapat na ikinakaltas na buwis

Bilang resulta nito, puwedeng kumatawan ang isang token sa maraming pinagbabatayang share.

Mga stock splits at reverse split

Pinapataas ng isang stock split ang bilang ng mga outstanding share sa pamamagitan ng paghahati-hati ng bawat share sa maraming share. Pinapababa naman ng reverse stock split ang bilang ng mga outstanding share sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maraming share para maging isa. Binabago ng mga aksyong ito ang bilang ng share at presyo kada share, pero hindi binabago ng mga ito ang kabuuang ekonomikong halaga ng asset.

Kapag nagsagawa ang isang kumpanya ng stock split o reverse stock split, hindi nababago ang iyong kabuuang ekonomikong pagkakalantad sa pamamagitan ng isang tokenized stock ng Ondo Global Markets at wala kang kailangang gawin.

Halimbawa, sa isang 10-for-1 na stock split, nagiging 10 share ang isang share. Sa sitwasyong ito, posible pa ring kumatawan ang isang tokenized stock ng parehong ekonomikong pagkakalantad at posibleng katumbas na ito ng 10 pinagbabatayang share, habang nagbabago nang proporsyonal ang presyo ng ticket. Kakatawanin na ngayon ng isang tokenized stock mo ang halaga ng 10 share, habang nananatili ang kabuuang halaga ng posisyon mo.

Ang mga tokenized security ba ay kapareho ng pagmamay-ari ng aktwal na security?​

Hindi. Bagama't idinisenyo ang mga tokenized security para gayahin ang ekonomikong performance ng pinagbabatayang asset, hindi ito kapareho ng direktang pagmamay-ari ng stock o ETF. Hindi mo magiging pag-aari ang pinagbabatayang security.

Kapag may hawak na tokenized stock o ETF:

  • Hindi ka makakatanggap ng mga karapatan sa pagboto ng shareholder
  • Hindi ka makakatanggap ng mga itinakdang paghahayag ng shareholder
  • Hindi mo direktang pag-aari ang pinagbabatayang security

Sa halip, maghahawak ka ng token na may parehong kabuuang ekonomikong return sa asset. Sumangguni sa [dokumentasyon] ng Ondo Global Markets(https://docs.ondo.finance/ondo-global-markets/legal-and-regulatory) para sa karagdagang detalye.

Madalas Itanong​

Kwalipikado ba akong mag-trade ng mga tokenized stock at ETF?

Ang Ondo Global Markets ay nakadepende sa availability at hindi available sa mga user sa mga sumusunod na rehiyon:

USA o alinman sa mga estado, pag-aari, teritoryo, o pederal na distrito, United Kingdom, Afghanistan, Algeria, Belarus, Brazil, Canada, China (kasama ang Hong Kong), Crimea, Donetsk People’s Republic (DNR), European Economic Area, Luhansk People’s Republic (LNR), Kherson and Zaporizhzhia regions (Ukraine), ang siyudad ng Sevastopol, Cuba, Democratic Republic of Korea, Eritrea, Iran, Libya, Malaysia, Myanmar, Morocco, Nepal, Russia, Singapore, Somalia, South Sudan, Sudan, Switzerland, Syria, at Venezuela. Para sa mga detalye at sa pinakabagong impormasyon sa pagiging kwalipikado, bumisita rito.

Ano ang mga bayarin?

Naniningil ang MetaMask ng bayaring 87.5 bps* sa lahat ng pag-trade sa Ondo Global Markets.

Para sa mga pag-trade na dumadaan sa CowSwap, nalalapat ang mga bayarin sa ibaba (puwedeng magbago):

  • MetaMask - 87.5 bps
  • CowSwap - 12 bps
  • Pagsasaayos ng pagpapatupad - 0.5 bps

Posibleng makuha ang positive slippage kung may pagkakaiba sa quote at pagpapatupad. Para sa higit pang impormasyon, sumangguni nang direkta sa dokumentasyon ng CowSwap at Ondo Global Markets.

*Ang basis points (bps) ay karaniwang ginagamit para ipakita ang mga bayarin. 100 bps = 1%.

Kailangan ko bang mag-sign up o gumawa ng account?

Hindi. Kung kwalipikado ka, puwede kang mag-swap sa mga asset ng Ondo Global Markets nang direkta sa pamamagitan ng MetaMask. Walang karagdagang sign-up o paggawa ng account na kinakailangan.

Ano naman ang mga pagkatigil ng merkado at mga paghinto ng pag-trade?

Dahil nakadepende ang presyo ng Ondo Global Markets sa pinagbabatayang aktibidad ng merkado sa U.S., puwedeng mahinto ang mga quote ng presyo kung:

  • Ang buong stock market ng U.S. ay tumigil, o
  • Inihinto ang isang partikular na pinagbabatayang asset dahil sa pagbabago-bago ng merkado

Sa mga sitwasyong ganito, ihihinto ng Ondo Global Markets ang pag-quote ng mga presyo hanggang sa bumalik sa pag-trade ang may kaugnayang merkado o asset.

Paano ako magkakansela ng transaksyon?

Kapag naisumite na ang pag-swap, hindi na puwedeng magkansela nang direkta sa MetaMask. Kailangan mong subukang magkansela sa pamamagitan ng underlying protocol kung saan ni-route ang pag-trade mo.

Kung ni-route ang pag-trade mo sa pamamagitan ng CowSwap, nakakasuporta ang CowSwap sa dalawang paraan ng pagkansela:

  • Pagkansela sa labas ng chain: Libre at hindi nangangailangan ng gas ang opsyong ito. Gayunpaman, dahil isinasagawa ito sa labas ng chain, may maliit na tsansang maipatupad pa rin ang order kung itinutugma na ito.
  • Pagkansela sa loob ng chain. Sa opsyong ito, kailangang magbayad para sa gas pero mas malamang na magtagumpay sa pagkansela sa order, dahil isinasagawa ito sa loob ng chain.

Para sa higit pang detalye sa pagkansela ng order sa CowSwap, tingnan dito.

Para tingnan ang katayuan ng order mo o subukang magkansela, bisitahin ang CowSwap explorer.

Kung ni-route ang pag-trade mo sa pamamagitan ng 1inch Fusion, puwede mong subukang magkansela nang direkta sa 1inch. Para sa higit pang detalye, tingnan ang kanilang dokumentasyon.

Ano ang mga ikinakaltas na buwis?

Ang mga ikinakaltas na buwis ay mga buwis na awtomatikong ibinabawas mula sa ilang uri ng kita gaya ng mga dividend bago ibigay ang kitang iyon. Ang entity ng Ondo Global Markets na nag-iisyu ng mga token ay nakabase sa British Virgin Islands, kaya ang mga dividend na ibinibigay ng mga kumpanya sa U.S. sa entity ay pinapatawan ng karaniwang 30% ikinakaltas na buwis sa U.S. Ito ang default na rate na nalalapat sa lahat ng hindi mamamayan ng U.S., alinsunod sa mga regulasyon ng pagbubuwis sa U.S. Sumangguni rito.

Ikaw ang responsable sa pagtukoy at pagbabayad ng lahat ng buwis at iba pang bayarin sa gobyerno (at anumang multa, interes, at karagdagang bayarin) na ipinapataw sa iyo kasabay o kaugnay ng mga isinagawang transaksyon at pagbabayad. Ang lahat ng bayarin na dapat mong bayaran ay mga eksklusibong buwis maliban kung may ibang nakasaad. Nakalaan sa amin ang karapatang magkaltas ng mga buwis kung kinakailangan.

Paano gumagana ang muling pag-i-invest ng dividend?

Nangyayari ang muling pag-i-invest ng dividend pagkatapos maibawas ang ikinakaltas na buwis.

Halimbawa, kung nagbabayad ang isang stock ng $1 dividend kada share at may hawak ang Ondo na 10 share (kabuuang $10), ipagpalagay na 30% ang ikinakaltas na buwis:

  • $3 ang ikinakaltas para sa buwis
  • ang $7 ay muling ini-invest sa mga dagdag na share ng pinagbabatayang asset

Isasali sa performance ng kabuuang return ng token ang muling pag-i-invest na ito.

Paulit-ulit na nabibigo ang pag-swap ko. Paano ako makakapag-troubleshoot?

Kung hindi ka makakakumpleto ng pag-swap para sa isang asset ng Ondo Global Markets, subukan muna ang sumusunod:

  • Suriin ang minimum na laki ng trade. Hindi makakatanggap ng anumang quote at hindi maipapatupad ang mga pag-swap na mas mababa sa $5. Lakihan ang halaga at subukan ulit.
  • Tiyakin na gumagamit ka ng inirerekomendang input token. Nagbibigay ang USDC sa Ethereum at USDT sa BNB Chain ng pinakamagandang liquidity. Posibleng magresulta sa walang quote ang ibang mga stablecoin. Siguraduhin ding may sapat kang native token ng network (ETH sa Ethereum, BNB sa BNB Chain) para masagot ang bayarin sa gas.
  • Suriin ang mga oras ng merkado at [pagiging kwalipikado] sa rehiyon(https://docs.ondo.finance/ondo-global-markets/eligibility)

Kung maayos ang lahat ng iyon at may problema pa rin, baka nag-trade ka sa CowSwap noon at nag-apruba ng stablecoin para sa paggastos. Posibleng makahadlang ang pag-aprubang ito sa mga pag-swap sa Ondo Global Markets sa pamamagitan ng MetaMask. Para maayos ito, subukang bawiin ang pag-apruba ng token sa CowSwap. Puwede kang gumamit ng checker ng pag-apruba ng token sa mga block explorer para sa bawat network:

Ikonekta ang wallet mo, hanapin ang limitasyon sa paggastos para sa stablecoin mo sa CowSwap, at bawiin iyon. Dahil kailangan ang pagsusumite ng transaksyon sa network para maisagawa ang pagbawi, kailangan mong magbayad para sa gas.

Kapag nabawi na, bumalik sa MetaMask at subukan ulit ang pag-swap.

Kung mananatili ang isyu, makipag-ugnayan sa amin.

Bakit hindi ko puwedeng i-trade ang tokenized asset?

Ang pinakakaraniwang dahilan ay hindi pagiging kwalipikado ng rehiyon. Kung hindi sinusuportahan ang rehiyon mo, hindi mate-trade ang token sa MetaMask.

Sa ilang sitwasyon, posible ring pansamantalang hindi available ang mga token dahil sa mga oras ng merkado o limitadong liquidity.

Kung naniniwala kang kwalipikado ka, tiyaking:

Paano sinusuportahan ang mga tokenized security?

Ang mga tokenized security ng Ondo Global Markets ay ganap na suportado ng katumbas na stock o ETF, na hawak ng isa o higit pang lisensyadong custodial broker-dealer sa U.S. (kasama ng cash in transit). Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni dito.

Was this helpful?